You are currently viewing ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ’

ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ’

Sa ilalim ng temang ‘Filipino: Wikang Mapagpalaya,’ isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ang idinaos ng CSSC, katuwang ang Junior Educators Club at Filipino Klab, para sa Buwan ng Wika 2024. Ang mga aktibidad na inihanda, tulad ng Laro ng Lahi at Spoken Poetry, ay dinaluhan ng iba’t ibang departamento upang ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal sa wikang Filipino. Ang mga kalahok ay buong pusong nakiisa at nagpakitang-gilas, na muling nagpapatunay na ang wikang Filipino ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon, kundi isang sandata ng kalayaan at identidad. Sama-sama nating ipinamalas ang kapangyarihan ng ating wika sa pagpapalaya ng kaisipan at pagbuo ng isang mas makatarungan at nagkakaisang lipunan. Mabuhay ang wikang Filipino at ang diwang mapagpalaya na dulot nito!